Sunday, June 18, 2023

Ang Mabuting Balita Hunyo 19, Lunes ng Ika-11 Linggo sa Karaniwang Panahon: Mateo 5:38-42


Mabuting Balita: Mateo 5:38-42
Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa mga alagad, "Narinig ninyo na sinabi, 'Mata sa mata at ngipin sa ngipin.' Ngunit ngayo'y sinasabi ko sa inyo: huwag ninyong labanan ang masamang tao. Kung may sumampal sa iyo sa kanang pisngi, iharap mo pa sa kanya ang kabila. 

Kung ipagsakdal ka ninuman upang makuha ang iyong baro, ibigay mo sa kanya pati ang iyong balabal. Kung sapilitang ipapasan sa iyo ng manlulupig ang kanyang dala nang isang kilometro, pasanin mo ito nang dalawang kilometro. Magbigay ka sa nanghihingi sa iyo, at huwag mong pahindian ang nanghihiram sa iyo.  

No comments: