Tuesday, May 2, 2023

Ang Mabuting Balita sa Mayo 5 , Biyernes sa Ikaapat na LInggo ng Pasko ng Muling Pagkabuhay: Juan 14:1-6


Mabuting Balita: Juan 14:1-6
Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad, "Huwag kayong mabalisa; manalig kayo sa Diyos at manalig din kayo sa akin. Sa bahay ng aking Ama ay maraming silid; kung hindi gayon, sinabi ko na sana sa inyo. At paroroon ako upang ipaghanda ko kayo ng matitirhan, babalik ako at isasama kayo sa kinaroroonan ko.  

At alam na ninyo ang daan patungo sa pupuntahan ko." Sinabi sa kanya ni Tomas, "Panginoon, hindi po namin alam kung saan kayo pupunta, paano namin malalaman ang daan?" Sumagot si Jesus, "Ako ang daan, ang katotohanan, at ang buhay. Walang makapupunta sa Ama kundi sa pamamagitan ko.'" 

No comments: