Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa
kanyang mga alagad: "Kaunting panahon na lamang at hindi na ninyo ako
makikita; at pagkaraan ng kaunting panahon pa, ako'y inyong makikita uli."
Nag-usap-usap ang ilan sa mga alagad, "Ano kaya ang ibig niyang sabihin?
Bakit niya sinasabing kaunting panahon na lang at hindi na natin siya makikita
uli? Sabi pa niya'y 'Sapagkat ako'y paroroon sa Ama.' Ano kaya ang ibig sabihin
ng 'kaunting panahon na lamang'? Hindi natin maunawaan!"
Naramdaman ni Jesus na ibig nilang
magtanong, kaya't sinabi niya, "Nagtatanungan kayo tungkol sa sinabi kong
kaunting panahon na lamang at hindi na ninyo ako makikita; at pagkaraan ng
kaunting panahon, ako'y inyong makikita uli. Sinasabi ko sa inyo: tatangis kayo
at magdadalamhati, ngunit magagalak ang sanlibutan. Matitigib kayo ng
kalungkutan, subalit ito'y magiging kagalakan.
No comments:
Post a Comment