Noong panahong iyon, sinabi ni
Jesus sa kanyang mga alagad: "Ngayo'y paroroon na ako sa nagsugo sa akin.
Wala isa man sa inyong nagtatanong sa akin kung saan ako pupunta. At ngayong
sabihin ko sa inyo, natigib kayo ng kalungkutan. Ngunit dapat ninyong malaman
ang katotohanan: ang pag-alis ko'y sa ikabubuti ninyo, sapagkat hindi paparito
sa inyo ang patnubay kung hindi ako aalis.
Ngunit kung umalis ako, susuguin ko siya sa inyo. Pagdating niya ay kanyang patutunayan sa mga tao sa sanlibutan na mali ang pagkakilala nila sa kasalanan, at ipakikilala niya kung ano ang matuwid, at kung ano ang kahatulan. Mali sila tungkol sa kasalanan, sapagkat hindi sila nanalig sa akin; tungkol sa matuwid, sapagkat ako'y paroroon sa Ama at hindi na ninyo makikita; tungkol sa kahatulan, sapagkat hinatulan na ang pinuno ng sanlibutang ito."
No comments:
Post a Comment