Noong mga
panahong iyon, sinabi ni Jesus sa mga tao, "Walang makalalapit sa akin
malibang dalhin siya ng Amang nagsugo sa akin. At ang lalapit sa akin ay muli
kong bubuhayin sa huling araw. Nasusulat sa aklat ng mga propeta, 'At silang
lahat ay tuturuan ng Diyos.' Ang bawat nakikinig sa Ama at natututo ay lalapit
sa akin. Hindi ito nangangahulugang may nakakita na sa Ama; yaong nagmula sa
Diyos ang tanging nakakita sa Ama.
"Sinasabi ko sa inyo: ang nananalig sa akin ay may buhay na walang hanggan. Ako ang pagkaing nagbibigay buhay. Kumain ng manna ang inyong mga ninuno nang sila'y nasa ilang, gayuma'y namatay sila. Ngunit ang sinumang kumain ng pagkaing bumaba mula sa langit ay hindi mamamatay. Ako ang pagkaing nagbibigay-buhay na bumaba mula sa langit. Mabubuhay magpakailanman ang sinumang kumain nito. At ang pagkaing ibibigay ko sa ikabubuhay ng sanlibutan ay ang aking laman."
No comments:
Post a Comment