Monday, April 24, 2023

Ang Mabuting Balita sa Abril 26, Miyerkules sa Ikatlong Linggo ng Pasko ng Muling Pagkabuhay: Juan 6:35-40

 

Mabuting Balita: Juan 6:35-40
Noong panahong iyon, sinabi ni Jesus sa mga tao: "Ako ang pagkaing nagbibigay-buhay," Ang lumalapit sa akin ay hindi na magugutom, at ang nananalig sa akin ay hindi na mauuhaw kailanman."  

"Ngunit sinasabi ko sa inyo: nakita na ninyo ako, gayunma'y hindi kayo nanalig sa akin. Lalapit sa akin ang lahat ng ibinibigay sa akin ng Ama. At hindi ko itataboy ang sinumang lumalapit sa akin. Sapagkat ako'y bumaba mula sa langit, hindi upang gawin ang kalooban ko, kundi ang kalooban ng nagsugo sa akin. 

At ito ang kanyang kalooban: huwag kong pabayaang mawala kahit isa sa mga ibinigay niya sa akin, kundi muling buhayin sila sa huling araw. Sapagkat ito ang kalooban ng aking Ama: ang lahat ng makakita at manalig sa Anak ay magkaroon ng buhay na walang hanggan. At sila'y muli kong bubuhayin sa huling araw."

No comments: