Monday, April 17, 2023

Ang Mabuting Balita sa Abril 20, Huwebes sa Ikalawang Linggo ng Pasko ng Muling Pagkabuhay: Juan 3:31-36


Mabuting Balita: Juan 3:31-36
Ang mula sa itaas ay dakila sa lahat; ang mula sa lupa ay taga lupa at nagsasalita tungkol sa mga bagay sa lupa. Ang mula sa langit ay dakila sa lahat. Pinatototohanan niya ang kanyang nakita at narinig, ngunit walang maniwala sa kanyang patotoo. Ang naniniwala sa kanyang patotoo ay nagpapatunay na tapat ang Diyos.  

Sapagkat ang sinugo ng Diyos ay nagpapahayag ng salita ng Diyos; at walang sukat ang kanyang pagkakaloob ng Espiritu Santo. Minamahal ng Ama ang Anak, at ibinigay sa kanya ang kapamahalaan ng lahat ng bagay. Ang nananalig sa Anak ay may buhay na walang hanggan; ngunit ang hindi tumatalima sa Anak, hindi magkakaroon ng buhay -- mananatili sa kanya ang poot ng Diyos.

No comments: