Tuesday, April 04, 2023

Ang Mabuting Balita sa Abril 8, Sabado Santo: Mateo 28:1-10


Mabuting Balita: Mateo 28:1-10
Makaraan ang Araw ng Pamamahinga, pagbubukang liwayway ng unang araw ng sanlinggo, pumunta sa libingan ni Hesus si Maria Magdalena at ang isa pang Maria. Biglang lumindol nang malakas. Bumaba mula sa langit ang isang anghel ng Panginoon, iginulong ang batong nakatakip sa libingan, at naupo sa ibabaw niyon. Ang kanyang mukha ay nakasisilaw na parang kidlat at kasimputi ng busilak ang kanyang damit. Nanginig sa takot ang mga bantay at nabulagtang animo’y patay nang makita ang anghel. 

Ngunit sinabi nito sa mga babae, “Huwag kayong matakot; alam kong hinahanap ninyo si Hesus na ipinako sa krus. Wala na siya rito, sapagkat siya’y muling nabuhay tulad ng kanyang sinabi. Halikayo, tingnan ninyo ang pinaglagyan sa kanya. Lumakad na kayo at ibalita sa kanyang mga alagad na siya’y muling nabuhay at mauuna sa Galilea. Makikita ninyo siya roon! Tandaan ninyo ang sinabi ko sa inyo.” At dali-dali silang umalis ng libingan. Pinagharian sila ng magkahalong takot at galak. At patakbong nagpunta sa mga alagad upang ibalita ang nangyari. 

Ngunit sinalubong sila ni Hesus at binati. At lumapit sila, niyakap ang kanyang paa at sinamba siya. Sinabi sa kanila ni Hesus, “Huwag kayong matakot! Humayo kayo at sabihin sa mga kapatid ko na pumunta sila sa Galilea at makikita nila ako roon!” 

No comments: