Noong
panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad, “Narinig na ninyong
sinabi, ‘Ibigin mo ang iyong kaibigan at kapootan mo ang iyong kaaway.’ Ngunit
ito naman sabi ko: ibigin ninyo ang mga umuusig sa inyo, upang kayo’y maging
tunay na anak ng inyong Amang nasa langit. Sapagkat pinasisikat niya ang araw
sa masasama at sa mabubuti, at pinapapatak niya ang ulan sa mga banal at sa mga
makasalanan.
Kung
ang mga umiibig sa inyo ang siya lamang ninyo iibigin, ano pang gantimpala ang
inyong hihintayin? Hindi ba’t ginagawa rin ito ng mga publikano? At kung ang
binabati lamang ninyo’y ang inyong mga kapatid, ano ang nagawa ninyong higit
kaysa iba? Ginagawa rin iyon ng mga Hentil! Kaya, dapat kayong maging ganap,
gaya ng inyong Amang nasa Langit.”
No comments:
Post a Comment