Ang maunang lumusong pagkatapos makalawkaw ang tubig ay gumagaling, anuman ang kanyang karamdaman. Doon ay may isang lalaking tatlumpu't walong taon nang may sakit, at siya'y nakita ni Hesus. Alam nitong matagal nang may sakit ang lalaki. Tinanong siya ni Hesus, "Ibig mo bang gumaling?" Sumagot ang maysakit, "Ginoo, wala pong maglusong sa akin kapag nakalawkaw na ang tubig; patungo pa lamang ako roon ay may nauuna na sa akin."
Sinabi sa kanya ni Jesus, "Tumindig ka, dalhin mo ang iyong higaan, at lumakad ka." At pagdaka'y gumaling ang lalaki, dinala ang kanyang higaan, at lumakad. Noo'y Araw ng Pamamahinga. Kaya't sinabi ng mga Judio sa lalaking pinagaling, "Araw ng Pamamahinga ngayon! Labag sa Kautusan na dalhin mo ang iyong higaan." Ngunit sumagot siya, "Ang nagpagaling sa akin ang nagsabing dalhin ko ang aking higaan at lumakad ako."
At siya'y
tinanong nila, "Sino ang nagsabi sa iyong dalhin mo ang iyong higaan at
lumakad ka?" Ngunit hindi nakilala ng lalaki kung sino ang nagpagaling sa
kanya, sapagkat nawala na si Hesus sa karamihan ng tao. Pagkatapos, nakita ni
Hesus sa loob ng templo ang lalaki at sinabihan, "Magaling ka na ngayon!
Huwag ka nang magkakasala at baka may mangyari sa iyo na lalo pang
masama." Umalis ang lalaki at sinabi sa mga Judio na si Hesus ang
nagpagaling sa kanya. Dahil dito, si Jesus ay sinimulang usigin ng mga Judio,
sapagkat nagpagaling siya sa Araw ng Pamamahinga.
No comments:
Post a Comment