Noong
panahong iyon, sinabi ni Jesus ang talinghagang ito sa mga taong ang tingin sa
sarili'y matuwid at humahamak naman sa iba. "May dalawang lalaking
pumanhik sa templo upang manalangin: ang isa'y Pariseo at ang isa nama'y
publikano. Tumindig ang Pariseo at pabulong na nanalangin ng ganito: 'O Diyos,
nagpapasalamat ako sa iyo pagkat hindi ako katulad ng iba -- mga magnanakaw,
mga mandaraya, mga mangangalunya -- o kaya'y katulad ng publikanong ito.
Makalawa
akong nag-aayuno sa loob ng sanlinggo; nagbibigay ako ng ikapu ng lahat kong
kinikita. Samantala, ang publikano'y nakatayo sa malayo; hindi man lamang
makatingin sa langit, kundi dinadagukan ang kanyang dibdib, at sinasabi: 'O
Diyos, mahabag po kayo sa akin na isang makasalanan!' Sinasabi ko sa inyo: ang
lalaking ito'y umuwing kinalulugdan ng Diyos, ngunit hindi ang isa. Sapagkat
ang sinumang nagpapakataas ay ibababa, at ang
nagpapakababa ay itataas."
No comments:
Post a Comment