Noong
panahong iyon, lumapit ang isa sa mga eskriba kay Hesus at tinanong siya,
"Alin pong utos ang pinakamahalaga?" Sumagot si Jesus, "Ito ang
pinakamahalagang utos, 'Pakinggan mo, Israel! Ang Panginoon na ating Diyos --
siya lamang ang Panginoon. Ibigin mo ang Panginoon mong Diyos nang buong puso,
nang buong kaluluwa, nang buong pag-iisip, at nang buong lakas.' Ito naman ang
pangalawa, 'Ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng iyong sarili.' Wala nang ibang
utos na hihigit pa sa mga ito."
"Tama po, Guro!" wika ng eskriba. "Totoo ang sinabi ninyo. Iisa ang Diyos at wala nang iba liban sa kanya. At ang umibig sa kanya nang buong puso, buong pag-iisip, at buong lakas, at ang umibig sa kapwa gaya nang kanyang sarili ay higit na mahalaga kaysa magdala ng lahat ng handog na susunugin, at iba pang mga hain." Nakita ni Jesus na matalino ang kanyang sagot, kaya't sinabi niya, "Malapit ka nang mapabilang sa mga pinaghaharian ng Diyos." At wala nang nangahas magtanong kay Jesus mula noon.
No comments:
Post a Comment