Nang
dumating si Hesus sa Nazaret, sinabi niya sa mga nasa sinagoga: “Tandaan ninyo:
walang propetang kinikilala sa kanyang sariling bayan. Ngunit sinasabi ko sa
inyo: maraming babaing balo sa Israel noong kapanahunan ni Elias nang hindi
umulan sa loob ng tatlong tao’t kalahati at magkaroon ng matinding taggutom sa
buong lupain.
Subalit hindi sa kaninuman sa kanila pinapunta si Elias kundi sa isang babaing balo sa Sarepta, sa lupain ng Sidon. Sa dinami-dami ng mga ketongin sa Israel noong kapanahunan ni Eliseo, walang pinagaling isa man sa kanila; si Naaman pang taga-Siria ang pinagaling.”
Galit
na galit ang lahat ng nasa sinagoga nang marinig ito. Nagtindigan sila, at
ipinagtabuyan siyang palabas, sa taluktok ng burol na kinatatayuan ng bayan,
upang ibulid sa bangin. Ngunit dumaan siya sa kalagitnaan nila at umalis.
No comments:
Post a Comment