“Saan po tayo kukuha ng tinapay dito sa ilang para magkasya sa ganito karaming tao?” tugon ng mga alagad. “Ilan ang tinapay ninyo riyan?” tanong ni Hesus. “Pito po,” sagot nila. Ang mga tao’y pinaupo ni Hesus sa lupa. Kinuha niya ang pitong tinapay, at nagpasalamat sa Diyos. Pinagpira-piraso niya ang mga iyon at ibinigay sa mga alagad upang ipamahagi sa mga tao.
Gayun nga ang
ginawa ng mga alagad. Mayroon din silang ilang maliliit na isda. Muli siyang
nagpasalamat sa Diyos, at iniutos niyang ibigay din iyon sa mga tao. Kumain ang
lahat at nabusog; at nang tipunin nila ang mga pira-pirasong tinapay na
lumabis, nakapuno sila ng pitong bakol na malalaki. At may apat na libo ang
kumain. Pinayaon ni Hesus ang mga tao, saka siya sumakay sa bangka, at nagtungo
sa lupain ng Dalmanuta.
No comments:
Post a Comment