“Kaya nga, kapag naglilimos ka, huwag mo nang ipagmakaingay ito, katulad ng ginagawa ng mga mapagpaimbabaw doon sa sinagoga at sa mga lansangan. Ginagawa nila ito upang purihin sila ng mga tao. Sinasabi ko sa inyo: tinanggap na nila ang kanilang gantimpala. Ngunit kung naglilimos ka, huwag mo nang ipaalam ito kahit sa iyong pinakamatalik na kaibigan upang malihim ang iyong paglilimos. At gagantihin ka ng iyong Amang nakakikita ng kabutihang ginagawa mo nang lihim.
“At kapag nananalangin kayom huwag kayong tumulad sa mga mapagpaimbabaw. Mahilig silang manalangin nang patayo sa mga sinagoga at sa mga panukalang-daan, upang makita ng mga tao. Sinasabi ko sa inyo: tinanggap na nila ang kanilang gantimpala. Ngunit kapag mananalangin ka, pumasok ka sa iyong silid at isara mo ang pinto. Saka ka manalangin sa iyong Amang hindi mo nakikita, at gagantihin ka ng iyong Amang nakakikita ng kabutihang ginagawa mo nang lihim.
“Kapag
nag-aayuno kayo, huwag kayong magmukhang malungkot, tulad ng mga mapagimbabaw.
Hindi sila nag-aayos upang malaman ng mga tao na sila’y nag-aayuno. Sinasabi ko
sa inyo: tinanggap na nila ang kanilang gantimpala. Kapag ikaw ay nag-aayuno, mag-ayos
ka ng buhok at maghilamos upang huwag mapansin ng mga tao na nag-aayuno ka. Ang
iyong Amang hindi mo nakikita ang siya lamang nakaaalam nito. Siya, na
nakakikita ng kabutihang ginagawa mo ng lihim, ang gaganti sa iyo.”
No comments:
Post a Comment