Tuesday, February 14, 2023

Ang Mabuting Balita para Pebrero 15 Miyerkules, ng Ikaanim na Linggo sa Karaniwang Panahon: Marcos 8:22-26


Mabuting Balita: Marcos 8:22-26
Noong panahong iyon, dumating sina Hesus at ang mga alagad sa Betsaida. Dinala kay Jesus ng ilang tao ang isang bulag at ipinamanhik na hipuin ito. Inakay niya ito sa labas ng bayan, niluran sa mga mata saka ipinatong ang kanyang mga kamay. "May nakikita ka na bang anuman?" tanong niya.  

Tumingin ang lalaki at ang wika, "Nakakakita po ako ng mga taong lumalakad, ngunit sila'y parang punongkahoy." Muling hinipo ni Jesus ang mga mata ng bulag; ito'y tuminging mabuti. Nanumbalik ang kanyang paningin at malinaw na niyang nakita ang lahat. Sinabi sa kanya ni Jesus, "Umuwi ka na. Huwag ka nang dumaan sa bayan."

No comments: