Noong
panahong iyon, pinalapit ni Hesus ang mga tao, pati ang kanyang mga alagad, at
sinabi, “Kung ibig ninumang sumunod sa akin, limutin niya ang ukol sa kanyang
sarili, pasanin ang kanyang krus at sumunod sa akin. Ang naghahangad na
magligtas ng kanyang buhay ay siyang mawawalan nito; ngunit ang mag-alay ng
kanyang buhay alang-alang sa akin at sa Mabuting Balita ay siyang magkakamit
niyon.
Ano nga ang mapapala ng isang tao, makamtan man niya ang buong daigdig kung ang katumbas naman nito’y ang kanyang buhay? Ano ang maibabayad ng tao para mabalik sa kanya ang kanyang buhay? Kapag ang sinuman ay nahiyang kumilala sa akin at sa aking mga salita sa harapan ng lahing ito na makasalanan at hindi tapat sa Diyos, ikahihiya rin siya ng Anak ng Tao, pagparito niya na taglay ang dakilang kapangyarihan ng kanyang Ama, at kasama ang mga banal na anghel.”
Sabi pa ni
Hesus sa kanila, “Tandaan ninyo: may ilan sa inyo rito na hindi mamamatay
hangga’t di nila nakikitang naghahari ang Diyos nang may buong kapangyarihan.”
No comments:
Post a Comment