Noong
panahong iyon, sinabi ni Jesus sa kanyang mga alagad: "Ang Anak ng Tao'y
dapat magtiis ng maraming hirap. Itatakwil siya ng matatanda ng bayan, ng mga
punong saserdote at ng mga eskriba. Ipapapatay nila siya, ngunit sa ikatlong
araw ay muling mabubuhay." At sinabi niya sa lahat, "Kung ibig
ninumang sumunod sa akin, limutin niya ang ukol sa kanyang sarili, pasanin
araw-araw ang kanyang krus at sumunod sa akin.
Ang naghahangad
magligtas ng kanyang buhay ay siyang mawawalan nito; ngunit ang mag-alay ng
kanyang buhay alang-alang sa akin ay siyang magkakamit niyon. Ano nga ang
mapapala ng tao, makamtan man niya ang buong sanlibutan kung ang katumbas naman
nito'y ang kanyang buhay? Ano nga ang mapapala niya kung siya’y mapapahamak?”
No comments:
Post a Comment