Noong
panahong iyon, si Hesus ay dumating naman sa Jordan mula sa Galilea, at lumapit
kay Juan upang pabinyag. Sinansala siya ni Juan na ang wika, "Ako po ang
dapat binyagan ninyo, at kayo pa ang lumalapit sa akin!" Ngunit tinugon
siya ni Hesus, "Hayaan mo itong mangyari ngayon; sapagkat ito ang
nararapat nating gawin upang matupad ang kalooban ng Diyos."
At
pumayag si Juan. Nang mabinyagan si Hesus, umahon siya sa tubig. Nabuksan ang
langit at nakita niya ang Espiritu ng Diyos, bumababa sa kanya, ang isang
kalapati. At isang tinig mula sa langit ang nagsabi, "Ito ang minamahal
kong Anak na lubos kong kinalulugdan!"
No comments:
Post a Comment