Noong
panahong iyon, sinasabi ni Juan Bautista sa kanyang pangangaral: “Darating na
kasunod ko ang isang makapangyarihan kaysa sa akin: ni hindi ako karapat-dapat
magkalag ng tali ng kanyang mga panyapak. Binibinyagan ko kayo sa tubig, ngunit
bibinyagan niya kayo sa Espiritu Santo.”
Hindi
nagluwat, dumating si Hesus mula sa Nazaret, Galilea, at siya’y bininyagan ni
Juan sa Ilog-Jordan. Pagkaahung-pagkaahon ni Hesus sa tubig ay nakita niyang
nabuksan ang kalangitan, at bumababa sa kanya ang Espiritu na gaya ng isang
kalapati. At isang tinig ang nagmula sa langit: “Ikaw ang minamahal kong Anak,
lubos kitang kinalulugdan.”
No comments:
Post a Comment