Noong
panahong iyon, muling pumasok si Jesus sa sinagoga, at naratnan niya roon ang
isang lalaking patay ang isang kamay. Kaya't binantayan si Jesus ng ilang taong
naroon upang tingnan kung pagagalingin niya ang lalaking iyon sa Araw ng
Pamamahinga, para may maiparatang sila sa kanya.
Tinawag ni Jesus ang lalaking patay ang kamay: "Halika rito sa unahan!" Tinanong niya pagkatapos ang mga tao, "Alin ba ang ayon sa Kautusan: ang gumawa ng mabuti o gumawa ng masama sa Araw ng Pamamahinga? Magligtas ng buhay o pumatay?"Ngunit hindi sila sumagot.
Habang
tinitingnan ni Jesus ang mga nasa paligid niya, galit at lungkot ang nabadha sa
kanyang mukha, dahil sa katigasan ng kanilang ulo. Bumaling siya sa lalaki at
sinabi, "Iunat mo ang iyong kamay." Iniunat naman ng lalaki ang
kanyang kamay at ito'y gumaling. Umalis ang mga Pariseo at nakipagsabwatan sa
mga kampon ni Herodes upang ipapatay si Jesus.
No comments:
Post a Comment