Noong
panahong iyon, nag-aayuno ang mga alagad ni Juan Bautista at mga Pariseo. May
lumapit kay Jesus at nagtanong, "Bakit po nag-aayuno ang mga alagad ni
Juan Bautista at ang mga alagad ng mga Pariseo, ngunit ang mga alagad ninyo'y
hindi?" Sumagot si Jesus, "Makapag-aayuno ba ang mga panauhin sa
kasalan samantalang kasama nila ang lalaking ikinasal? Hindi! Kapag wala na ang
ikinasal, saka pa lamang sila mag-aayuno.
"Walang
nagtatagpi ng bagong kayo sa lumang kasuutan; pag urong ng bagong kayo,
mababatak ang luma at lalong lalaki ang punit. Wala rin namang nagsisilid ng
bagong alak sa lumang sisidlang-balat. Kapwa masasayang ang alak at ang
sisidlan. Bagong alak, bagong sisidlang-balat!"
No comments:
Post a Comment