Noong
panahong iyon, pumasok si Hesus sa templo. Samantalang nagtuturo siya, lumapit
sa kanya ang mga punong saserdote at ang matatanda ng bayan at siya’y tinanong,
“Ano ang karapatan mong gumawa ng mga bagay na ito? Sino ang nagbigay sa iyo ng
karapatang ito?”
Sumagot si Hesus, “Tatanungin ko rin kayo. Kapag sinagot ninyo ako, saka ko naman sasabihin sa inyo kung ano ang karapatan kong gumawa ng mga bagay na ito. Kanino nagmula ang karapatan ni Juan upang magbinyag – sa Diyos ba o sa tao?” At sila’y nagusap-usap: “Kung sabihin nating mula sa Diyos, sasabihin naman niya sa atin, ‘Bakit hindi ninyo siya pinaniwalaan?’
Ngunit
kung sabihin nating mula sa tao baka naman kung ano ang gawin sa atin ng bayan,
sapagkat kinikilala ng lahat na si Juan ay isang propeta.” Kaya’t sumagot sila
kay Hesus, “Hindi namin alam!” Sinabi niya, “Hindi ko rin sasabihin sa inyo kung
ano ang karapatan kong gumawa ng mga ginagawa ko.”
No comments:
Post a Comment