Noong
panahong iyon, sinabi ni Hesus sa mga tao, "Sa ano ko nga ihahambing ang
mga tao ngayon? Katulad sila ng mga batang nakaupo sa plasa at sumisigaw sa
kanilang mga kalaro, 'Tinugtugan namin kayo ng plauta, ngunit hindi kayo
sumayaw! Nanambitan kami, ngunit hindi kayo tumangis!'
Sapagkat
naparito si Juan na nag-aayuno at di uminom ng alak, at sinabi nila, 'Inaalihan
siya ng demonyo!' Naparito rin ang Anak ng Tao, na kumakain at umiinom, at
sinasabi naman nila, 'Masdan ninyo ang taong ito! Matakaw at maglalasing,
kaibigan ng mga publikano at mga makasalanan!' Gayunman, ang karunungan ng
Diyos ay napatutunayang tama sa pamamagitan ng kanyang mga gawa."
No comments:
Post a Comment