Pagkaalis ng
mga sinugo ni Juan, si Hesus ay nagsalita sa mga tao tungkol kay Juan. “Bakit
kayo lumabas sa ilang? Ano ang ibig ninyong makita? Isang tambong inuugoy ng
hangin? Ano nga ang ibig ninyong makita? Isang taong may maringal na kasuutan?
Ang mga nagsusuot ng maringal at namumuhay sa karangyaan ay nasa palasyo ng mga
hari.
Ano nga ba ang ibig ninyong makita? Isang propeta? Oo. At sinasabi ko sa inyo, higit pa sa isang propeta. Sapagkat si Juan ang tinutukoy ng Kasulatan: ‘Ipadadala ko ang aking sugo na mauuna sa iyo, Ihahanda niya ang iyong daraanan.’ Sinasabi ko sa inyo: si Juan ang pinakadakila sa mga isinilang, ngunit dakila kaysa kanya ang pinakaaba sa mga taong pinaghaharian ng Diyos.”
Pinakinggan
siya ng mga mamamayan, pati ng mga publikano. Ang mga ito’y sumunod sa kalooban
ng Diyos nang pabinyag sila kay Juan. Subalit tinanggihan ng mga Pariseo at ng
mga eskriba ang layunin ng Diyos sa kanila sapagkat hindi sila nagpabinyag kay
Juan.
No comments:
Post a Comment