Tinanggihan siya ng hukom sa loob ng ilang panahon. Ngunit ng malaunan ay nasabi nito sa sarili: 'Bagamat hindi ako natatakot sa Diyos ni gumagalang kaninuman, igagawad ko na ang katarungang hinihingi ng babaing ito sapagkat lagi niya akong ginagambala-- baka pa ako mainis sa kapaparito niya.'" At sinabi ng Panginoon, "Narinig ninyo ang sinabi ng masamang hukom.
Hindi ipagkakait ng Diyos ang katarungan sa kanyang mga hinirang na dumaraing sa kanya araw-gabi, bagama't tila nagtatagal iyon. Sinasabi ko sa inyo, agad niyang igagawad sa kanila ang katarungan. Ngunit pagdating ng Anak ng Tao sa daigdig na ito, may makikita kaya siyang mga taong nananalig sa kanya.?"
No comments:
Post a Comment