Noong
panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad, “Darakpin kayo’t uusigin.
Kayo’y dadalhin sa mga sinagoga upang litisin at ipabilanggo. At dahil sa akin
ay ihaharap kayo sa mga hari at mga gobernador. Ito ang pagkakataon ninyo upang
magpatotoo tungkol sa akin.
Ipanatag ninyo ang inyong kalooban, huwag kayong mababalisa tungkol sa pagtatanggol sa inyong sarili; sapagkat bibigyan ko kayo ng katalinuhan at ng pananalitang hindi kayang tutulan o pabulaanan ng sinuman sa inyong mga kaaway.
Ipagkakanulo
kayo ng inyong mga magulang, mga kapatid, mga kamag-anak, at mga kaibigan. At
ipapapatay ang ilan sa inyo. Kapopootan kayo ng lahat dahil sa akin, ngunit
hindi mawawala ni isang hibla ng inyong buhok. Sa inyong pagtitiis ay tatamuhin
ninyo ang buhay na walang hanggan.”
No comments:
Post a Comment