Noong panhong
iyon, si Jesus ay tinanong ng mga Pariseo kung kailan itatatag ang kaharian ng Diyos.
Sumagot siya, "Ang pagsisimula ng paghahari ng Diyos ay walang makikitang
palatandaan. at wala ring magsasabing nagsisimula na roon o rini. Sapagkat ang
totoo'y nagsimula nang maghari ang Diyos sa puso ng mga nananalig sa
kanya."
At sinabi
niya sa mga alagad, "Darating ang panahong hahangarin ninyong ang isa sa
mga araw ng Anak ng Tao, ngunit hindi ninyo makikita iyon. at may magsasabi sa
inyo, "Naroon siya! o, 'Narini siya!' Huwag kayong pumunta upang siya'y
hanapin. Sapagkat pagsapit ng takdang araw, ang Anak ng Tao'y darating na
parang kidlat. Ngunit kailangan muna siyang magbata ng maraming hirap, at
itakwil ng mga tao sa ngayon."
No comments:
Post a Comment