Isang
araw ng Pamamahinga, muling pumasok si Jesus sa sinagoga at nagturo. May isang
lalaki roong tuyo't ang kanang kamay. Sa hangad ng mga eskriba at mga Pariseo
na maparatangan si Jesus, nagbantay sila upang tingnan kung siya'y magpapagaling
sa Araw ng Pamamahinga. Subalit batid ni Jesus ang kanilang iniisip, kaya't
sinabi ni Jesus sa lalaking tuyo't ang kamay, "Halika rito sa
unahan."
Lumapit
naman ang lalaki at tumayo roon. Sinabi ni Jesus sa kanila, "Tatanungin ko
kayo. Alin ba ang ayon sa Kautusan: ang gumawa ng mabuti o ang gumawa ng masama
sa araw ng Pamamahinga?" Magligtas ng buhay o pumatay?” Tiningnan ni Jesus
ang mga nasa palibot niya at sinabi sa lalaki, "Iunat mo ang iyong
kamay!" Iniunat nga niya ang kanyang kamay at ito'y gumaling.
Nagngingitngit sa galit ang mga eskriba at Pariseo, at pinag-uusapan nila kung
ano ang dapat gawin kay Jesus.
No comments:
Post a Comment