Nang oras ding iyon, si Jesus ay napuspos ng galak ng Espiritu Santo. At sinabi niya, "Pinasasalamatan kita, Ama, Panginoon ng langit at lupa, sapagkat inilihim mo sa marurunong at pantas ang mga bagay na ito at inihayag mo sa mga taong ito na ang kalooba'y tulad ng sa bata. Oo, Ama, sapagkat gayon ang ikinalulugod mo. "Ibinigay sa akin ng Ama, at walang nakakikilala sa Ama kundi ang Anak at yaong marapating pagpahayagan ng Anak."
Humarap si Jesus sa mga alagad at sinabi, na di naririnig ng iba. "Mapalad kayo, sapagkat nakita ninyo ang inyong nakikita ngayon! Sinasabi ko sa inyo, maraming propeta at mga hari ang nagnasang makakita ng inyong nakikita ngayon ngunit hindi nila nakita. Hinangad din nilang mapakinggan ang inyong naririnig ngunit hindi nila napakinggan."
No comments:
Post a Comment