Noong
panahong iyon, umalis si Jesus at sa kanyang paglalakad, nakita niya ang isang
taong ang pangala'y Mateo; nakaupo ito sa paningilan ng buwis. Sinabi ni Jesus
sa kanya, "Sumunod ka sa akin." Tumindig si Mateo at sumunod sa
kanya.
Nang si Jesus at ang kanyang mga alagad ay nasa bahay ni Mateo, dumating ang maraming publikano at mga makasalanan. At sila'y magkakasalong kumain. Nang makita ito nang mga Pariseo, tinanong niya ang kanyang mga alagad, "Bakit sumasalo sa mga publikano at sa mga makasalanan ang inyong Guro?"
Narinig ito
ni Jesus at siya ang sumagot, "Ang mga maysakit ang siyang nangangailangan
ng manggagamot, hindi ang mga walang sakit. Humayo kayo at unawain ang
kahulugan nito, 'Habag ang ibig ko at hindi hain.' Sapagkat naparito ako upang
tawagin ang mga makasalanan, hindi ang mga banal."
No comments:
Post a Comment