Sunday, August 21, 2022

Ang Mabuting Balita sa Martes Agosto 23 Santa Rosa de Lima, dalaga Pangalawang Patrona ng Pilipinas (Paggunita): Mateo 23:23-26


Mabuting Balita: Mateo 23:23-26
Sa aba ninyo, mga eskriba at mga Pariseo! Mga mapagpaimbabaw! Ibinibigay ninyo ang ikapu ng gulaying walang halaga ngunit kinaliligtaan ninyong isagawa ang lalong mahahalagang aral sa Kautusan: ang katarungan, ang pagkahabag, at ang katapatan. Tamang gawin ninyo ang mga ito, ngunit huwag naman ninyong kaliligtaang gawin ang iba. Mga bulag na tagaakay! Sinasala ninyo ang niknik sa inyong inumin, ngunit nilulunok ninyo ang kamelyo!  

"Sa aba ninyo, mga eskriba at mga Pariseo! Mga mapagpaimbabaw! Nililinis ninyo ang tasa at ng pinggan, ngunit ang loob nito'y puno ng nahuthot ninyo dahil sa kasakiman at pagsasamantala. Bulag na Pariseo! Linisin mo muna ang mga nasa loob ng tasa at ng pinggan, at magiging malinis din ang labas nito!

No comments: