"Ang tapat at matalinong alipin ang siyang pinapamahala ng kanyang panginoon sa ibang mga alipin, upang bigyan sila ng kanilang pagkain sa karampatang panahon. Mapalad ang aliping iyon, kapag dinatnan siyang gumagawa ng gayon sa pagbabalik ng kanyang panginoon! Sinasabi ko sa inyo: pamamahalain siya ng panginoon sa lahat ng kanyang ari-arian.
Ngunit kung masama ang aliping iyon, sasabihin niya sa sarili, 'Matatagalan pa bago magbalik ang aking panginoon, at sisimulang bugbugin ang kanyang mga kapwa alipin, at makipagkainan at makipag-inuman sa mga lasenggo. Babalik ang panginoon ng aliping iyon sa araw na hindi niya inaasahan at sa oras na hindi niya alam. Buong higpit na parurusahan siya ng panginoon, at isasama sa mga mapagpaimbabaw. Doo'y tatangis siya at magngangalit ang kanyang ngipin.
No comments:
Post a Comment