Noong
panahong iyon, nagtipun-tipon ang mga Pariseo nang mabalitaan nilang
napatahimik ni Hesus ang mga Saduseo. At isa sa kanila, isang dalubhasa sa
Kautusan, ang nagtanong kay Hesus upang subukin ito: “Guro, alin po ang
pinakamahalagang utos sa Kautusan?”
Sumagot
si Hesus, “Ibigin mo ang Panginoon mong Diyos nang buong puso, nang buong
kaluluwa, at nang buong pag-iisip. Ito ang pinakamahalagang utos. Ito naman ang
pangalawa: “Ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng iyong sarili. Sa dalawang utos na
ito nakasalalay ang buong Kautusan ni Moises at ang turo ng mga propeta.”
No comments:
Post a Comment