“Kapag ang pinto’y isinara na ng puno
ng sambahayan, magtitiis kayong nakatayo sa labas, at katok nang katok.
Sasabihin ninyo, ‘Panginoon, papasukin po ninyo kami.’ Sasagutin niya kayo,
‘Hindi ko alam kung tagasaan kayo!’ At sasabihin ninyo, ‘Kumain po kami at
uminom na kasalo ninyo, at nagturo pa kayo sa mga lansangan namin.’ Sasabihin
naman ng Panginoon, ‘Hindi ko alam kung tagasaan kayo!
Lumayo kayo sa akin, kayong lahat na nagsisigawa ng masama!’ Tatangis kayo at magngangalit ang inyong ngipin kapag nakita ninyong nasa kaharian ng Diyos sina Abraham, Isaac at Jacob, at ang lahat ng propeta, at kayo nama’y ipinagtabuyan sa labas! At darating ang mga tao buhat sa silangan at kanluran, sa hilaga at timog, at dudulog sa hapag sa kaharian ng Diyos. Tunay ngang may nahuhuling mauuna, at may nauunang mahuhuli.”
No comments:
Post a Comment