"Ang umiibig sa ama o sa ina nang higit sa akin ay hindi karapat-dapat sa akin. At ang umiibig sa anak na lalaki o babae nang higit sa akin ay hindi karapat-dapat sa akin. Ang hindi nagpapasan nang kanyang krus at sumusunod sa akin ay hindi karapat-dapat sa akin. Ang nag-iingat ng kanyang buhay ay siyang mawawalan nito, at ang nawawalan ng kanyang buhay dahil sa akin ay magkakamit nito."
"Ang
tumatanggap sa inyo ay tumatanggap sa akin, at ang tumatanggap sa akin ay
tumatanggap sa nagsugo sa akin. Ang tumatanggap sa isang propeta dahil sa
siya'y propeta ay tatanggap ng gantimpala ukol sa propeta. At ang tumatanggap
sa isang taong matuwid dahil sa siya'y matuwid ay tatanggap ng gantimpalang
nauukol sa taong matuwid. at sinumang magbigay ng kahit isang basong tubig na
malamig sa isa sa maliliit na ito dahil sa ito'y alagad ko-- tinitiyak kong
tatanggap siya ng gantimpala." Matapos tagubilinan ang labingdalawang
alagad, umalis si Jesus upang magturo at mangaral sa mga bayang malapit doon.
No comments:
Post a Comment