Thursday, July 14, 2022

Ang Mabuting Balita sa Biyernes Hulyo 15 San Buenaventura, Obispo at pantas ng Simbahan: Mateo 12:1-8


Mabuting Balita: Mateo 12:1-8
Noong panahong iyon, isang Araw ng Pamamahinga, naparaan si Jesus sa triguhan. Nagutom ang kasama niyang mga alagad kaya't nangitil sila ng uhay at kinain ang mga butil. Nang makita ito ng mga Pariseo, sinabi nila sa kanya, "Tingnan mo ang ginagawa ng iyong mga alagad. Bawal iyan kung Araw ng Pamamahinga."  

Sumagot si Jesus, "Hindi ba ninyo nabasa ang ginawa ni David nang magutom siya at ang kanyang mga kasama? Pumasok siya sa bahay ng Diyos at kumain ng tinapay na handog sa Diyos at pinakain din niya ang kanyang mga kasama. Labag sa Kautusan na kanin nila ang tinapay na iyon sapagkat ang mga saserdote lamang ang may karapatang kumain niyon.  

Hindi pa ba ninyo nababasa sa Kautusan ni Moises na tuwing Araw ng Pamamahinga, lumalabag sa batas tungkol sa araw na ito ang mga saserdote sa templo, gayunmay hindi nila ipinagkakasala iyon? Sinasabi ko sa inyo, naririto ang higit na dakila kaysa templo. Hindi sana ninyo hinatulan ang mga walang sala kung alam ninyo ang kahulugan ng mga salitang ito, 'Habag ang ibig ko, hindi hain.' Sapagkat ang Araw ng Pamamahinga ay nasa ilalim ng kapangyarihan ng Anak ng Tao."

No comments: