Sumunod din ang isang babaing may labingdalawang taon nang dinudugo. Lumapit ito sa likuran ni Jesus at hinipo ang laylayan ng kanyang damit. Sapagkat sinabi niya sa sarili, "Mahipo ko lamang ang kanyang damit ay gagaling na ako." Bumaling si Jesus at pagkakita sa kanya'y sinabi, "Anak, lakasan mo ang iyong loob! Pinagaling ka ng iyong pananalig." Noon di'y gumaling ang babae.
Nang dumating
si Jesus sa bahay ng pinuno, nakita niya ang mga manunugtog ng plauta at ang
maraming taong nagkakaingay. Sinabi niya, "Magsilabas kayo! Hindi patay
ang bata; natutulog lang!" At siya'y pinagtawanan nila. Ngunit nang
mapalabas na ang mga tao, pumasok siya, hinawakan sa kamay ang bata at ito'y
nagbangon. At ang balita tungkol sa pangyayaring ito ay kumalat sa buong
lupaing iyon.
No comments:
Post a Comment