Noong
panahong iyon, sinumbatan ni Jesus ang mga bayang ginawan niya ng maraming
kababalaghan sapagkat hindi sila nagsisi't tumalikod sa kanilang mga kasalanan.
"Kawawa ka, Corazin! Kawawa ka Betsaida! Sapagkat kung sa Tiro at Sidon
ginawa ang mga kababalaghang ginawa sa inyo, malaon na sanang nagdaramit ng
sako at nauupo sa abo ang mga tagaroon upang ipakilalang sila'y nagsisisi.
Ngunit
sinasabi ko sa inyo: sa Araw ng Paghuhukom ay higit na mabigat ang sasapitin
ninyo kaysa sasapitin ng mga taga-Tiro at taga-Sidon. At ikaw, Capernaum, ibig
mong maging mataas kaysa langit? Ibabagsak ka sa Hades! Sapagkat kung sa Sodoma
ginawa ang kababalaghang ginawa rito sa inyo, sana'y nananatili pa ito hanggang
ngayon. Ngunit sinasabi ko sa inyo, sa Araw ng Paghuhukom ay higit na mabigat
ang ipaparusa sa inyo kaysa dinanas ng Sodoma."
No comments:
Post a Comment