Noong
panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad, “Kayo’y asin sa
sanlibutan. Kung mawalan ng alat ang asin, paano pang mapananauli ang alat
nito? Wala na itong kabuluhan kaya’t itinatapon na lamang at niyayapakan ng mga
tao.
“Kayo’y ilaw
sa sanlibutan. Hindi maitatago ang isang lungsod na nakatayo sa ibabaw ng
burol. Walang nagsisindi ng ilaw at naglalagay nito sa ilalim ng takalan. Sa
halip ay inilalagay ito sa talagang patungan upang matanglawan ang lahat ng
nasa bahay. Gayun din naman, dapat ninyong paliwanagin ang inyong ilaw sa
harapan ng mga tao, upang makita nila ang inyong mabubuting gawa, at
luwalhatiin ang inyong Amang nasa langit.”
No comments:
Post a Comment