Wednesday, June 1, 2022

Ang Mabuting Balita para sa Hunyo 4 Sabado sa Ika-7 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay: Juan 21:20-25


Mabuting Balita: Juan 21:20-25
Noong panahong iyon, lumingon si Pedro at nakita niyang sumusunod ang alagad na minamahal ni Jesus - yaong humilig sa dibdib ni Jesus nang sila'y naghahapunan at nagtanong, "Panginoon, sino po ang magkakanulo sa inyo?" Nang makita siya ni Pedro, tinanong nito si Jesus, "Panginoon, ano po naman ang mangyayari sa taong ito?"  

Sumagot si Jesus, "Kung ibig kong mabuhay siya hanggang sa pagbabalik ko, ano sa iyo? Sumunod ka sa akin!" Kumalat sa mga kapatid ang balitang hindi mamamatay ang alagad na ito, bagama't hindi sinabi ni Jesus na hindi siya mamamatay, kundi, "Kung ibig kong mabuhay siya hanggang sa pagbabalik ko, ano sa iyo?"  

Ito nga ang alagad na nagpapatotoo tungkol sa mga bagay na ito; siya rin ang sumulat ng mga ito, at alam naming tunay ang kanyang patotoo. At marami pang ginawa si Jesus na kung susulating lahat, inaakala kong hindi magkakasya kahit sa buong daigdig ang mga aklat na masusulat. 

No comments: