Sunday, June 12, 2022

Ang Mabuting Balita Hunyo 14, Martes ng Ika-11 Linggo sa Karaniwang Panahon: Mateo 5:43-48


Mabuting Balita: Mateo 5:43-48
Noong Panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad, "Narinig na ninyong sinabi, 'Ibigin mo ang iyong kaibigan at kapootan mo ang iyong kaaway.' Ngunit ito naman ang sabi ko: ibigin ninyo ang inyong mga kaaway, at idalangin ninyo ang mga umuusig sa inyo, upang kayo'y maging tunay na anak ng inyong Amang nasa langit. Sapagkat pinasisikat niya ang araw sa masasama at sa mabubuti, at pinapapatak niya ang ulan sa mga banal at sa mga makasalanan.  

Kung ang mga umiibig sa inyo ang siya lamang ninyong iibigin, ano pang gantimpala ang inyong hihintayin? Hindi ba't ginagawa rin ito ng mga publikano? At kung ang binabati lamang ninyo'y ang inyong mga kapatid, ano ang nagawa ninyong higit kaysa iba? Ginagawa rin iyan ng mga Hentil! Kaya, dapat kayong maging ganap, gaya ng inyong Amang nasa langit."

No comments: