Tuesday, May 10, 2022

Ang Mabuting Balita para sa Mayo 13, Biyernes sa Ika-4 na Linggo ng Pasko ng Muling Pagkabuhay: Juan 14:1-6


Mabuting Balita: Juan 14:1-6   
Sinabi ni Jesus sa kanyang mga alagad: 1 Huwag mabagabag ang inyong mga puso. Manalig kayo sa Diyos, at manalig din kayo sa akin. 2 Mara¬ming silid sa bahay ng aking Ama. Kung hindi’y hindi ko sana sinabi sa inyong: “Pupunta ako upang ipag-handa kayo ng lugar.” 3 At pag pumunta na ako at naipag¬handa kayo ng lugar, muli akong darating at dadalhin ko kayo sa akin upang kung saan ako naroon, gayon din naman kayo.   

4 At alam n’yo ang daan sa pupuntahan ko.” 5 Sinabi sa kanya ni Tomas: “Pangi-noon, hindi namin alam kung saan ka pupunta. Paano namin malalaman ang daan?” 6 Sinabi sa kanya ni Jesus: “Ako siyang daan, ang katotohanan, at ang buhay. Walang nakalalapit sa Ama kundi sa pamamagitan ko.  

No comments: