44 Malakas
namang sinabi ni Jesus: “Ang nananalig sa aki’y hindi sa akin kundi sa
nagpadala sa akin. 45 Ang pumapansin sa aki’y pumapansin sa nagpadala sa
akin. 46 Dumating ako na liwanag sa mundo upang hindi mamalagi sa dilim
ang bawat nananalig sa akin. 47 Kung may nakakarinig sa aking mga salita
at hindi ito iniingatan, hindi ako ang humahatol sa kanya sapagkat dumadating
ako hindi para hatulan ang mundo kundi para iligtas ang mundo.
48 May humahatol sa bumabale-wala sa akin at di tumatanggap sa mga pananalita ko. Ang salitang ipinangusap ko ang siyang hahatol sa kanya sa huling araw. 49 Sapagkat hindi ako nangusap sa ganang sarili ko; ang nagpadala sa akin – ang Ama – siya mismo ang nag-utos sa akin kung ano ang sasabihin ko at ipangungusap. 50 Alam kong buhay magpakailanman ang kanyang utos. Kaya ang ipinangungusap ko’y ipinangungusap ko gaya ng sinabi sa akin ng Ama.
No comments:
Post a Comment