Saturday, May 21, 2022

Ang Mabuting Balita para sa Linggo Mayo 22, Ikaanim na Linggo ng Pasko ng Muling Pagkabuhay: Juan 14:23-29



Mabuting Balita: Juan 14:23-29
23 Sumagot si Jesus at sinabi sa kanya: “Kung may nagma-mahal sa akin, isasakatuparan niya ang aking salita at mamahalin siya ng aking Ama at pupuntahan namin siya at sa kanya kami gagawa ng silid para sa aming sarili. 24 Hindi naman isinasakatuparan ng hindi nagmamahal sa akin ang aking mga salita. At hindi sa akin ang salitang naririnig n’yo kundi sa Amang nagpadala sa akin. 

25 Sinabi ko sa inyo ang mga ito habang namamalagi pa akong kasama ninyo. 26 Ituturo naman sa inyo ng Tagapag-tanggol ang lahat – ang Espiritu Santong ipadadala ng ama sa ngalan ko – at ipaaalaala niya sa inyo ang lahat ng sinabi ko sa inyo. 27 Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo; kapayapaan ko ang ibinibigay ko sa inyo. Hindi gaya ng ibinibigay ng mundo ang ibinibigay ko sa inyo. Huwag mabagabag ang inyong puso, ni panghinaan ng loob. 

28Narinig ninyong sinabi ko sa inyo. ‘Paalis ako pero pabalik ako sa inyo.’ Kung minahal ninyo ako, magagalak kayo’t papunta ako sa Ama pagkat mas dakila sa akin ang Ama. 29Ngunit sinabi ko ito ngayon sa inyo bago pa mangyari ito.

No comments: