Tuesday, May 24, 2022

Ang Mabuting Balita Mayo 25 Miyerkules sa Ika-6 na Linggo ng Pasko ng Muling Pagkabuhay: Juan 16:12-15


Mabuting Balita: 
Juan 16:12-15
Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: 12 Marami pa sana akong sasabihin sa inyo pero hindi ninyo masasakyan nga­yon. 13 Ngunit pagdating niya, ang Espi­ritu ng katotohanan, ihahatid niya kayo sa buong katotohanan.  

Hindi siya mangungusap mula sa ganang sarili kundi ang naririnig niya ang ipangungusap niya at ang mga bagay na darating ang ibabalita niya sa inyo. 14 Mula sa akin siya tatanggap at magbabalita sa inyo, at sa gayon niya ako luluwalhatiin. 15 Akin ang tanang sa Ama. Dahil dito kaya ko sinabing ‘Mula sa akin siya tatanggap at magbabalita sa inyo.’

No comments: