Sunday, May 22, 2022

Ang Mabuting Balita Mayo 23 Lunes sa Ika-6 na Linggo ng Pasko ng Muling Pagkabuhay: Juan 15:26—16:4a


Mabuting Balita: Juan 15:26—16:4a
Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: "Ngunit ang Patnubay, ang Espiritu ng Katotohan, ang paparito mula sa Ama. Susuguin ko siya sa inyo buhat sa Ama, at siya ang magpapatotoo tungkol sa akin. At magpapatotoo rin kayo tungkol sa akin, sapagkat sa pasimula pa'y kasama ko na kayo.

"Sinasabi ko ito sa inyo upang huwag kayong mawalan ng pananalig sa akin. Palalayasin nila kayo sa mga sinagoga. Darating ang panahon na ang sinumang pumatay sa inyo ay mag-aakalang naglilingkod siya sa Diyos. At gagawin nila ito sapagkat hindi nila ako nakikilala ni ang Ama. Ito'y sinasabi ko sa inyo upang, pagdating ng oras na gawin nila, maalaala ninyong ipinagpauna ko na ito sa inyo." 

No comments: