53 Dakila ka pa baga sa aming amang Abraham, na namatay? at nangamatay ang mga propeta: sino ang ipinalalagay mo sa iyong sarili? 54Sumagot si Jesus, Kung niluluwalhati ko ang aking sarili, ang kaluwalhatian ko ay walang anoman: ang aking Ama'y siyang lumuluwalhati sa akin; na tungkol sa kaniya'y sinasabi ninyo, na siya'y inyong Dios; 55At hindi ninyo siya napagkilala: nguni't nakikilala ko siya; at kung aking sasabihin, na hindi ko siya nakikilala, ay ako'y matutulad sa inyo, na sinungaling: datapuwa't nakikilala ko siya, at tinutupad ko ang kaniyang salita.
56Nagalak ang
inyong amang si Abraham na makita ang aking araw; at nakita niya, at natuwa.
57Sinabi nga sa kaniya ng mga Judio, Wala ka pang limangpung taon, at nakita mo
si Abraham? 58Sinabi sa kanila ni Jesus, Katotohanan, katotohanang sinasabi ko
sa inyo, Bago ipinanganak si Abraham, ay ako nga. 59Sila nga'y nagsidampot ng
mga bato upang ihagis sa kaniya: datapuwa't nagtago si Jesus, at lumabas sa
templo.
No comments:
Post a Comment