Wednesday, March 30, 2022

Ang Mabuting Balita para sa Marso 31 Huwebes sa Ika-4 Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda: Juan 5:31-47


Mabuting Balita: Juan 5:31-47
Sinabi ni Jesus sa kanyang mga alagad: 31 Kung nagpapatunay ako sa aking sarili, di mapanghahawakan ang aking patunay. 32 Ngunit iba ang nagpapa­tunay tungkol sa akin at alam kong mapang­hahawakan ang patunay niya tungkol sa akin. 33 Nagpasugo kayo kay Juan at binigyang-patunay niya ang katotohanan. 34 Ipinaaalaala ko ito para maligtas kayo; ngunit hindi ko hangad ang patunay mula sa tao. 35 Siya nga ang ilaw na may sindi at nagniningning, at ginusto n’yong magalak pansaman­tala sa kanyang liwanag.  

36 May patunay naman ako na higit pa kaysa kay Juan – ang mga gawang bigay sa akin ng Ama upang tuparin ko ang mga iyon. Ang mga gawa mismong ginagawa ko ang nagpapatunay na sinugo ako ng Ama. 37 At nagpapatunay rin sa akin ang Amang nagsugo sa akin. Kailanma’y di ninyo narinig ang kanyang tinig ni    nakita ang kanyang anyo. 38 At hindi rin nama­malagi sa inyo ang kanyang salita dahil hindi kayo naniniwala sa kanyang sinugo. 

39 Sinasaliksik ninyo ang mga Kasu­latan dahil inaakala ninyong doon kayo magkakaroon ng buhay magpa­kailan­man. Nagpapatunay nga sa akin ang mga iyon 40 ngunit ayaw n’­yong luma­pit sa akin para mabuhay. 41 Hindi ko hangad ang papuri mula sa mga tao, 42 ngunit kilala ko kayo: wala sa inyong sarili ang pagmamahal sa Diyos.  

43 Sa ngalan ng aking Ama ako dumating at hindi n’yo ako tinatanggap; kung sakaling may dumating sa sarili niyang ngalan, siya ang inyong tatang­gapin. 44 Paano kayo makapani­niwala kung pa­puri sa isa’t isa ang hangad n’yo at hindi ang papuring galing sa tanging Diyos ang hangad? 45 Huwag n’yong akalain na ako ang mag­sasakdal laban sa inyo sa harap ng Ama. Si Moises ang nagsa­sakdal laban sa inyo, siya na inyong inaasahan.  

46 Kung pinaniwalaan nga nin­yo si Moises, pani­niwalaan din sana ninyo ako sapagkat tungkol sa akin siya nag­sulat. 47 Ngu­nit kung hindi n’yo panini­walaan ang kan­yang mga sinulat, paano n’yo pani­niwa­laan ang aking mga pananalita?

No comments: