17 Pagkalayo
ni Jesus sa mga tao, nang nasa bahay na siya, tinanong siya ng kanyang mga
alagad tungkol sa talinhagang ito. 18 At sinabi niya: “Wala rin ba kayong
pang-unawa? Hindi ba ninyo nauunawaan na sa bituka pumupunta ang anumang
pumapasok sa tao mula sa labas? 19 Sapagkat hindi sa puso ito pumapasok
kundi sa tiyan at pagkatapos ay itinatapon sa labas.” (Sa gayo’y sinabi
niya na malinis ang tanang mga pagkain.)
20 At
idinagdag niya: “Ang lumalabas sa tao ang nagpaparumi sa tao. 21 Sa puso
nga ng tao nagmumula ang masasamang hangarin – kahalayan, pagnanakaw, pagpatay
sa kapwa, 22 pakikiapid, kasakiman, kasamaan, pandaraya, kalaswaan,
pagkainggit, paninira, kapalaluan, kabuktutan. 23 Ang masasamang bagay na
ito ang nagpaparumi sa tao.
No comments:
Post a Comment